Ang Unang Pahina


Maligayang pagbisita sa unang pahina ng aking blog. Saan nga ba at paano nabuo ang blog na ito? Saturday - April 29, 2017, na-realize at nalaman ko na supported na ni pareng Google ang Filipino language, sakto kakakita ko pa lamang ng isang cringe-worthy na post sa Facebook. Mamaya, titirahin ko iyon sa susunod kong blog post. Buena mano ka, sir!

Ano ba ang pakay ko dito sa blog na ito? Ang main reason ng pag buo ko nito ay para tirahin ang mga kalokohan ng pinoy sa Facebook, Twitter, at maging sa totoong buhay. Sa future, plano kong mag-accept ng rants ng iba kong kababayan. As much as possible, tagalog ang post. Boring din naman kapag fully tagalog or malalim na tagalog gagamitin natin sa buong blog, so lagyan natin ng kaunting inglies.

Mag-subscribe kayo dito sa blog ko hangga't maaari. Ako ay magsusulat na ng panimula kong banat sa mga kapwa ko pinoy.

Comments

Popular Posts